Parang kailan lang at isang ta-on na naman ang lumipas. Kay bilis-bilis ng mga araw, di ko namamalayan 2 ta0n na pala ako dito sa Englatera in a few months.Naalala ko this month last year lagi akong bagot, mainitin ang ulo at frustrated sa maraming bagay. Ngayon frustrated pa rin, pero kunting bagay na lang, at least may improvement.hehe..Last year ang problema ko trabaho, this year trabaho pa rin..lol. Ewan ko ba, I've been praying for a job last year, I wanted it so much. Sabi ko sa sarili ko I want a career, a job, ayoko maging stay at home wife masyadong boring, tsaka sayang ang oras at opportunities. Gusto kong mapabilang sa employed citizen, although malaki ang tax! I want to see the world and grow in my experience, at tsaka sayang naman ang £ na kikita-in ko.nyahaha...
Pero bakit nga ba ngayon ganon pa rin ang feeling ko. Frustrated pa rin at di masyadong contented. Na guguilty tuloy ako, feeling ko napaka ungrateful ko (sulk). Sorry po father God, di ko gustong maramdaman to, honest po talaga sobrang grateful ako sa trabaho na ibinigay mo. di lang po trabaho ang nakita ko kundi maraming kaibigan. Salamat po talaga ng sobra. Siguro po napapagod lang talaga ako ng sobra, tsaka work situations make me feel frustrated most of the time. Mga tamad kong katrabaho tsaka ibang mga ungrateful na mga residente. Nakakatamad at nakakapagod din po ang management, o siguro dahil pa-ulit ulit ang trabaho kaya di masyadong challenging. Haaay naku po, ituro nyo po sa akin kung anu ang tamang gawin. Honestly ayoko talaga magtagal sa ganitong trabaho. Akala ko noon heto talaga ang gusto ko, caring job. Pero nakaka-umay din pala, lalo na most of the time it's a "Thankless job". Feeling ko sa bawat araw na nagtatrabaho ako wala ng "good day" puro na "hell". Parang you don't have something to look forward to pag pumapasok ka, in short di po talaga ako nag-eenjoy. Alam ko wala pa akong isang taon sa trabaho na to, pinipilit ko naman po mag enjoy. Yong promise ko po sa inyo tinatry ko pong tuparin minsan nga lang po nakak-badtrip din. Sorry po sa mga times na I went out of the limit. Sorry po if parang ungrateful yong dating ko, pero I really want to move on something different. I know po alam niyo ang gusto at plano kong gawin. At the moment po pipilitin kong maging ok yong work na to, pero Lord guide me sa ano mang gusto kong plano na e-pursue. I know you will always be with me. Open my eyes that I may see wonderful things again in this job..
