Ako ay nababagot, nabobored at na hohomesick na naman. Ang hirap din talaga mag-adjust at mag-cope pag nasa ibang bansa ka.Kahit lahat pa ng bagay na pinapangarap mo lang noon andito na at abot kamay mo, di pa rin kompleto ang buhay. Noon akala mo heto yong mga bagay na magpapaligaya sayo pero hindi rin pala. Mamimiss mo rin ang mga simpleng bagay na ginagawa mo noon nong asa Pinas ka pa.
Marami ang naniniwala na masuwerte daw ang mga Pilipinong nasa ibang bansa. Madali daw ang buhay, maraming pera at mas masaya. FYI po, mas masuwerte po kayong mga nasa Pilipinas.
Bakit? Dahil unang una kapiling niyo ang lahat ng mahal niyo sa buhay. May karamay kayo sa bawat problema at lungkot na dulot ng buhay. Hindi man kayo sumusuweldo ng dollars o pounds, at wala man sa inyo ang mga karangyaan sa mundo, nasa sa inyo naman ang pinapangarap ng bawat Pilipino. Ang kaligayahan na kapiling ang buong pamilya.
Base po yan sa pinagdaanan ko. Lumaki ako at mga kapatid ko na hindi nasubaybayan ng Papa ko dahil isa siyang OFW sa Saudi. Matagal din siyang nagtrabaho don mga dalawampong taon. Umuuwi siya isang buwan kada dalawa o apat na taon, depende sa kontrata niya. Kaya lumaki ako na halos di ko siya makilala at may takot sa kanya. Naging isang estranghero sa akin ang aking ama. Nong bata pa ako ayokong umuuwi siya, sabi ko di na baleng wala siya, ok na ako kay Mama.
Pero sa pagdaan ng panahon at habang lumalaki ako at nagkaisip nawala rin ang takot ko sa kanya. Napalitan ito ng paghanga at malaking malaking pagmamahal. Unti unti kong nakilala ang aking ama at isa siyang dakila para sa akin.Tiniis niya ang lungkot na mawalay sa amin para lang mabigyan kami ng magandang buhay. Dahil don idol ko siya at siya rin ang numero uno kong tagahanga. Buong buo ang tiwala niya sa kakayahan ko at matalino daw ako. Kaya simula noon ang bawat tagumpay ko sa pag-aaral para sa kanya. Nangarap ako ng matayog, kaya kong abutin ang buwan para sa Papa ko.
Kaya nong namatay siya gumuho lahat ng pangarap na yon, naging walang silbi lahat ng pangarap ko kasi wala na siya. Doon ko nakita kong gaano kalupit ang buhay, nawala ang tiwala ko sa "future" na sinasabi nila. Pano pa ako magkakaroon ng magandang kinabukasan kung kinuha niya ang kaisa-isang tao na magbibigay sa akin nito. Matinding lungkot at takot yon ang naramdaman ko.
Matinding lungkot dahil nawala ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Nawala siya sa mga panahong naramadaman at naisip ko na pinaka masaya pala ang pasko pag andiyan siya. Sayang, isang beses lang kami nagkasama sa buong pasko sa buhay ko. Ang sarap pala ng yakap ni Papa pagkatapos kang murahin at pagalitan ni Mama. Don ko naramdaman na ang "YAKAP NI PAPA" kayang pawiin at palakasin ang loob ko na labanan kahit na pinakamasakit pang mura ng kung sino. Yakap na nagsasabing "Walang sino mang Puncho Pilato ang puwedeng mang-api sa bunso ko." Yakap na sana nakuha ko arawa araw kung di lang siya dapat lumayo para sa magandang bukas na na gusto at pangarap niyang ibigay sa amin.
Kaya ngayong may asawa na ako at nasa ibang bansa rin, mas lalo kong naintindihan, hinangaan at minahal si Papa.Lalo nga lang akong nasasaktan sa tuwing Nababagot, Nabobored, at nahohomesick ako, kasi naiisip ko na doble o triple pa ang nararamdaman noon ng Papa ko kasi walang siyang kahit na sino sa tabi niya. Ako masuwerte pa rin dahil kasama ko ang asawa ko, mga biyenan ko at may mga kaibigan sa banyagang bansang ito.
Pero lalo ring tumatatag ang loob ko dahil alam ko kailangan kong maging matapang para ipagpatuloy ang pangarap na binuo ni Papa sa pamilyang inalayan niya ng buhay. Kaya sa mga ta-ong nagsasabing hindi naging mabuti ang buhay namin kung hindi dahil sa mga asawa namin "PAKYU!!!!!!". Para malaman niyo hindi man kami mayaman hindi rin kami naghirap ng masyado dahil patuloy na nangarap ang Papa namin para sa amin.Dugo at pawis ang inalay niya para lang hindi kami apihin ng mga mapanghusgang taong katulad niyo! Pinaghihirapan ko kung ano man ang buhay meron ang pamilya ko ngayon.
Kaya after all I realised being with our Papa all our lives would be best than a good life. Perhaps it wasn't the good option before nong mga bata pa kami but growing up I can't even remember the good life, just the pain being away from our Papa most of our lives kaya he chose to spend most of his years working abroad just because he preferred to give us a good life. I am not blaming Papa at all or Mama, perhaps that's the bitter sweet life nating mga Pilipino. Kaya FYI po ok lang mag abroad but don't live all your life or don't let your parents/parent live all their lives working abroad dahil sa GOOD LIFE na yan!! Pag naka ipon na ng tama go home habang malakas kapa and so you have the rest of your life with your loved ones. What is a good life or money after all. Pag lumaki po yong mga anak niyo at nagkaisip tama man ako o hindi if you asked them now they would prefer to be with you all these years kesa sa lintik na good life na yan!
Tsaka family photo po don't forget, yan ang simpleng pangarap ko lang na kahit kailan hindi hindi na mangyayari unless mag photoshop!
Ang Nababagot, Nabobored at Nahohomesick,